Pages

Wednesday, March 21, 2012

Sarap Bumalik Sa Pagka Bata

Ako si Papa Dudot, kasalukuyang 25 taong gulang na. Gusto ko lang magbahagi na aking maikling akda tungkol sa aking nakaraan na pagkabata. Ginawa ko ito dahil alam kong marami ang nakakaintindi o nakakaunawa sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kasalukuyang panahon. 

Ano ba ginagawa mo noong bata ka pa? May naaalala ka pa ba? Masasayang kaibigan, kalaro, kaaway. Syempre naalala mo pa rin ang lahat-lahat. Lalo nat sasariwain mo lahat ng ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap at pagjajaming ng may konting inuman.


Kasiyahang Naranasan
Ang sarap maging bata ulit, sabi ng karamihan. May mga tao rin naman na ayaw ng balikan ang mapapait at masasamang nakaraan nila sa buhay. Depende sa kung anong uri ng pamumuhay meron sa kanilang paligid. Para sa akin Masaya ang aking buhay nung bata pa ako, namimiss ko ang mga pambatang laro noon, tulad ng tumabang preso, bahay-bahayan, patintero, syato, holen, teks, yoyo, pogs, sipa,langi't lupa, tagutaguan, at marami pang iba.

Napaka sayang pagmasdam ng kabataan, habang nilalaro nila ang mga larong nakalakihan na rin natin. Nakikita natin ang ating mga sarili sa mga kabataang iyon. Masaya, nagtatawanan, nagaasaran, tapos may magaaway, magiiyakan, magsusumbong sa nanay o kay tatay, at sa bawat sermon at palo nila nanay at tatay halos maaalala mo kung paano nila disiplinahin ang kabataan noon. Ang sarap, ang sarap sariwain ang nakaraan, ang sarap nilang pagmasdam, sa bawat pawis at dungis ng damit, masasabe mo nalang, “parang ako lang noon.”

Masama o Maganda?
Kitang kita ang pagkakaiba ng kabataan noon at ngayon. Nakakalungkot mang isipin. Na unti-unti ng nakakalimutan ng kabataan sa ngayon ang mga bagay na yan. “HIGH TECH” na ang panahon, pero bakit marami paring naghihirap.“OO,” malaki nga ang naitutulong ng pagiging “moderno" sa panahon ngayon. Habang lumilipas ang panahon, karamihan sa kabataan ngayon ay expose sa mga bagay na hindi nila dapat makita o maranasan sa kanilang murang edad. Alam ko nainintindihan ninyo ako kung ano ang aking inilalahad. Sana maging bukas ang ating isipan sa bawat bagay-bagay na nangyayare sa panahon ngayon. “may tama kang nagagawa (pero mali sa iba) , kapag mali ginawa mo (mali talaga).. san ka pa! 

“Hindi intension na Saktan o bigyan ng masamang halimabawa ang kabataan
Nais ko lamang ibahagi ang aking saloobin sa sistema ng pamumuhay sa ngayon”

No comments:

Post a Comment

Followers