Pages

Thursday, March 22, 2012

Inosente Lang Ang Nagtataka



Alam mo ba yung pakiramdam na pinagbintangan ka sa isang pagkakasalang hindi mo naman talaga ginawa? Masama pa rito, hindi ka nag-isip ng masamang bagay na maaring makasakit dun sa taong pinag-isipan ka ng masama.
Hindi naman tayo perpektong tao, nakakagawa rin ako ng mga kasalanan. Katulad mo rin ako. Maging mabuti man tayong kaibigan, kapatid o anak, may mga pag kakataong hindi maiiwasan na may mga taong gagawa ng masama, para lang makuha ang gusto nila.


Ang Kwento
Isang araw, nagulat nalang ako sa aking nabalitaan. Pinag bibintangan ako sa isang bagay na hindi ko naman ginawa. Ngunit mas lalong sumama ang loob ko ng nalaman ko kung sino ang nag-bintang sa akin. Kamag-anak ko pa!  Buong buhay ko, hindi ko sila nagawang pag-isapan ng masama. Nagagawa ko pang makipag kwentuhan, tawanan at makipag inom sa kanila noon, ngunit masama na pala ang tingin nila sa akin noon pa.

Ang Pangyayari
Isang bisita ang dumating galing abroad, tumuloy sila sa tahanan ng isa nilang kamag-anak, at sa mga oras na yon sakto namang naroroon rin si Papa Dudot upang kumuha ng pera, perang padala para sa kanya galing sa nagpapaaral sa kanya. Kaya pagkakuha ng pera at pagkatapos magpasalamat, umuwi agad si Papa Dudot para bantayan ang kanyang amang may sakit. Masayang masaya si Papa Dudot dahil meron na siyang pambayad sa kanyang twisyon sa kolehiyo.

Kinabukasan, may kumakalat na balita na may isang kamag anak “raw” silang malilikot ang kamay! Naalarma ang pamilya ni Papa Dudot, at nagpunta ang isa sa kanilang kamag anak upang alamin ang pangyayare. 
Nang dumatin na sa  bahay ng kamag anak, tila walang makapag sabi sakanya ng totoong nararamdaman ng lahat. Ang lahat ay nag tatanga-tangahan nalang. Kunwari ay wala silang pinag bibintangan, pero meron pala.

Lumipas ang 3 taon, isang balita ang sumira sa kalooban ni Papa Dudot.

Isang di nagpakilalang kamag anak ang tumawag sa kanilang bahay upang ipaalam ito. Sa tatlong taong nakalipas, nalaman nya na siya pala ang pinagbibintangang, nagnakaw ng mga alahas na nooy nawala. Hindi nagpadala sa kanyang emosyon si Papa Dudot, nag paka tatag sya, dahil hindi naman niya talaga ginawa ang bagay na iyon. Sa bawat pagdaan ng araw, si Papa Dudot ay napaisip, kung bakit siya pa ang nadawit sa gulo na iyon. Si Papa Dudot pa daw ang pangunahing at nag-iisang may sala. Kayat lalong nanaiig ang sama ng kanyang loob.

Sabi pa raw ng isang kamag anak nila’y “Si Papa Dudot lang ang naroroon nung araw na iyon at wala ng iba.” Gulat na gulat si Papa Dudot sa paratang sa kanya. Wika naman ni Papa Dudot sakanyang sarili’y “ alam ng diyos, ang lahat ng pangyayare,” kayat ipinagpaubaya nalang nya sa Panginoon ang lahat. Hindi nagpatalo si Papa Dudot sa mabigat na pasanin ng kanyang kalooban, kaya mas pinili ang manatili at ituon ang oras sa pag aalaga sa tabi ng kanyang ama.

Mahal na mahal talaga ni Papa Dudot ang kanyang ama, kayat di niya maiwan ito. Sa kabila ng bawat pagsubok at dagok sa kanilang buhay, ang pagmamahal sa pamilya ang kanyang sandigan upang malampasan ang lahat na ito. 

Huwag tayong mang-bibintang ng isang bagay na hindi naman natin nakita, ng hindi tayo makasakit ng damdamin ng iba,….

No comments:

Post a Comment

Followers